
at gaano ba tlga kabigat na kasalanan ang mahalin ka??
nkkasar din minsan kung iisipin ko na mas okay akong magbigay ng advice sa mga kaibigan ko tungkol sa mga ganitong usapang puso..pero bakit nman pagdating sa akin..wala..talo na nman..
kailan ko ba kasi matututunang tanggapin sa sarili ko na kahit kailan ay hindi na ako pwedeng maging masaya na ikaw ang kasama..hindi ko parin maintindihan kung bakit hanggang ngayon apektado parin ako pagdating sayo??tao ka ba talaga?hanggang kailan mo pa ba ako balak saktan??
oo, alam ko..hindi mo nman sinasadya diba??malay mo ba??pero..**tinginingining** na yan..gaano ba ka kapal ang balat mo at hindi mo maramdaman??
ano na ba talaga ako para sa’yo??pinipilit kong maging okay pero hindi pa pala tapos ang kalbaryo ko..walanjo naman talaga oo..
kani-kanina lang nag-iisip ako..kung gaano kasaya ang walang iniisip na problema sa puso..sabi ko..mas okay na siguro yung ganito..yung walang laman yung puso ko..yung tipong pagtinanong ako sino mahal ko..petix akong sasagot nang “wala eh..si God ang nasa sentro ng puso ko..” which is actually a fact at given na yun..na parang tatanungin kung inlove ako at the moment..kampante akong sasagot nang..”wala talaga eh..”..
hahaix..kelan ko ba makakamit ang kalayaang magmahal ulit nang hindi ka na papasok sa isip ko??hanggang kailan ako magkakaganito??at hanggang kailan ko pa kaya paparusahan ang sarili ko sa mga pinag gagawa ko ngayon??puteek naman talaga oo..walanjo..kung pwede lang sabihin talaga na ayoko na at totohanin yun..eh matagal ko na sanang ginawa..nakakaloka nadin naman kasi..na yung mga bagay na sinasabi ko mismo sa ibang tao eh hindi ko mai-apply sa sarili kong sitwasyon..ayos din eh noh??adik nga talaga ako..ADIK!
masamang i-compare yung sarili sa iba..oo, alam na alam ko yan..at sobrang ayoko nyan eh..pero kanina lang..napag isip talaga ako ng matindi at naluha pa nung ma-realize ko na unti-unti ko na palang ikinukumpara ang sarili ko sa taong dati mong mahal..na bakit at paano mo sya nagustuhan??na kung ano ba ang meron sya na wla ako at hindi mo makita sa akin..wala na..adik talaga ako..na kung tutuusin eh kaibigan ko din yung taong un..haix..bakit ba kasi hindi mo ako magawang magustuhan manlang??nalilito na naman ako??bata ka pa lang ba talaga masyado para mag -isip na hindi pa tamang panahon para magmahal ka??o bading ka ba talaga katulad ng nararamdaman naming lahat??handa akong maghintay kung yun lang ang idadahilan mo sa akin..pero sana..wag mo naman akong gawing tanga..nasasaktan din ako..at kung sakaling alam mo na kung ano talaga nararamdaman ko para sa'yo..sabihin mo nalang side mo..wag yung ganito tayo..ayos??walanjo ka talaga oo..anu ba itong nangyayri sa akin ngayon at natuto akong mag blog ng tagalog..ang saya pala nito...basta hindi ko na talaga alam pa..kakalimutan nalang kita para mas masaya di ba??ang tapang ko talaga kung iisipin na ang lakas ng loob kong maglagay ng picture at i-publish sa halos lahat ng blog ko itong entry na itoh..ano??proud??pero hindi ko na babanggitin name muh..dahil sobrang given na yun.. ayos diba??may isang adik na magmamahal sayo ng buong ka-adikan..nice talaga!!
tagay na!!



